Makahulugan…Pamumuhay na may Masayang Pananaw
Tuesday, April 1, 2008 by Ric
Laging hangad ng bawat isa ang masaya at makahulugang buhay, ang mga pagsisikap na kaakibat nito ay naayon sa pagnanais na mabigyan ng maayos at masayang pamumuhay ang ating pamilya at mga mahal sa buhay. Kung talagang pakakaisipin, ang mga pangangailangang materyal ay isa lamang sangkap upang matugunan ang mga pisikal na pangangailangan, pati na rin bigyan kasiyahan ang kaisipan at katawan.
Minsan dahil sa kakulangan ng kaalaman at pamamaraan, at upang makalampas sa mga nasabing kagyat na kadahilanan, nasasadlak sa pag gawa ng kamalian. Kahit nalilihis sa katwiran ito ay binigbigyan ng daan wag lamang mamasdan ang pagdurusa na maaring maranasan lalo na ng mga mahal sa buhay.
Sa mga may biyaya , ang mga salita sa maayos na pamumuhay ay madaling bitawan, ngunit sa tunay na nakakaranas na pagdarahop, ang pag kapit sa patalim ay isang paraan na di maiiwasan. Kung pakakasuriing mabuti sa malalim na pag aaral, ang lahat ng ito ay may dahilan at nakikita , nararanasan, nagaganap saan mang panig ng mundo. Ito ay noon pa , nanatili sa matagal na panahon, kasama na ng kasaysayan. Sa positibong pananaw, ang lahat ng ito ay may dahilan, ang bawat isa ay may misyon na maaring gampanan, maliit man o malaki..kagyat man o pangmatagalan, maaring di pa nakikita sa ngayon ang epekto at kahulugan ngunit ang mahalaga ito ay nagawa at nasimulan.
Bawat isa ay may biyaya galing sa Diyos, at nag umpisa ito sa buhay na kaloob, may maliit , may malaki, ito minsan ay binibigay sa iba ibang kaparaanan. Minsan bigla, minsan sa paraan na di natin napapansin at nakikita. Lagi lang sanang pakaisipin na ang lahat sa buhay, ang ating mga natatamasa , ito lahat ay galing sa kanya. Yon lang at magpasalamat , pagkatapos nito lahat ay ang kapanatagan ng loob na kahit saan natin hanapin ay di natin masusumpungan. Ang mga sa palagay ay may higit na biyaya ay di nangangahulugan ng mas higit na pagmamahal mula sa Kanya, alalaon baga ay ito ay patunay na may mas malalim na misyon na gagampanan sa pagpapalaganap ng Kanyang pag-ibig.
Mag balik tanaw..Hanapin sa kalooban..Tingnan at Damhin ang mga Blessings natin sa buhay…Magsaya at Magpasalamat..Isapuso ang isang makahulugang pamumuhay…